Vic Reyes

Gobyerno puspusan ang tulong sa nasalanta ng mga bagyo

Vic Reyes Nov 27, 2024
10 Views

ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa Japan.

Binabati natin ang ating mga suki na sina: Teresa Yasuki, Tata Yap Yamzaki. Judith Delima, Charlie Pagaran, Glenn Raganas, Marilyn Yokokoji, Endo Yumi, La Dy Pinky, Winger dela Cruz at Hiroshi Katsumata.

****

Kamakailan ay nagpulong ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC), SGS Philippines at SICPA SA para i-review ang status ng Fuel Marking Program (FMP) sa bansa.

Ang high-level briefing tungkol sa FMP ay pinangunahan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Layunin ng programa na matigil ang fuel smuggling sa bansa.

Dumalo sa miting sina SGS Global Service Manager Mostafa Nasri at SICPA regional managing director (Asia-Pacific) Davjd Burke.

Ayon sa SICPA record, umabot na sa 80.35 bilyung litro ng fuel ang namarkahan sa Pilipinas, “generating P1.028 trillion in taxes.” Of the amount, tumataginting na P204.18 bilyon buwis ang nakolekta nitong 2024 lamang.

Determinado ang BOC, SGS Philippines at SICPA SA, na higit pang paigtingin ang kanilang collaboration para i-address ang fuel smuggling.

Ang proyekto ay nasa ilalim ng FMP Project Implementation Office na pinamumunuan ni Depcom Teddy Raval ng Enforcement Group.

Dumalo rin sa briefing sina Depcom Vener S. Bacquiran, Depcom Vener Clarence S. Dizon at Financial Management Office Director Bienvenido R. Datuin Jr.

Hopefully tuloy-tuloy lang ang matagumpay na paglaban sa fuel smuggling sa bansa.

***

Nitong nagdaang Nobyembre 21 ay nagpulong ang mga kolektor ng Bureau of Customs (BOC) sa Kalibo International Airport.

Pinamumunuan ni Collector Melisa P. Andana.

Ang KIA ay isang subport ng Port of Iloilo na ang District Collector ay si Ciriaco DG Ugay.

Itinaon ang regular collectors’ conference sa pagbisita ni Commissioner Rubio sa nasabing paliparan sa Aklan.

Pinasalamatan ni Rubio ang mga opisyal at kawani ng subport dahil sa kanilang magandang performance.

Lalo na sa larangan ng revenue collection, trade facilitation at border protection.

Sinabi ni Commissioner Rubio na malaki ang nagagawa ng pagtutulungan na ipinapakita ng mga kawani para magawa ng subport ang kanyang mga mandato.

Ang pagbisita ni Rubio sa KIA ay bahagi ng kanyang programa na dalawin ang iba’t ibang ports of entry sa buong bansa.

Sabi nga ng waterfront stakeholders, “it is a move in the rigrht direction.

***

Sana naman wala ng pumasok na mapaminsalang bagyo sa Pilipinas.

Hirap na ang mga residenteng laging sinasalanta ng mga malalakas na hangin at pag-ulan na dala ng mga bagyo.

Ang laging dinadaanan ngayon ng mga bagyo ay Northern Luzon, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Southern Luzon, Bicol Region at Visayas.

Mahihirapan ng bumangon ang mga calamity victims bago mag-Pasko dahil sa tindi ng pinsala na idinulot ng mga sunod-sunod na kalamidad

Mabuti naman at puspusan ang ginagawang pagtulong ng mga ahensya ng gobyerno sa mga biktima.

Sana tumulong ang pribadong sektor sa relief operations na ginagawa ng gobyerno.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa # +63 9178624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)