Just In

Calendar

December 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Muslim solon nangangamba sa magiging kapalaran ng Sulu prov’l gov’t sa 2025

Mar Rodriguez Dec 3, 2024
15 Views

NAGPAHAYAG ng malaking pagkabahala at pangamba si House Assistant Minority Leader at Basilan Lone Dist. Rep. Mujiv Hataman kaugnay sa magiging pondo ng provincial government ng Sulu para sa 2025 kasunod ng naging desisyon kamakailan ng Korte Suprema.

Nangangamba si Hataman kung mabibiyayaan pa ng pondo ang pamahalaang panlalawigan ng Sulu sa papasok na 2025 matapos magbaba ng desisyon ang Supreme Court (SC) na hindi na kasama ang nasabing lalawigan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Dahil dito, nananawagan ang kongresista sa Department ofBudget and Management (DBM) upang mabigyan ng konsiderasyon at tiyakin na mayroon parin pondong ilalaan para sa Sulu sa gitna ng naging desisyon ng Mataas na Hukuman.

“The Supreme Court (SC) denied the motion for partial reconsideration filed by the government of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), the Office of the Solicitor General (OSG) and others,” ayon sa pahayag ng Korte Suprema.

Paliwanag ni Hataman na ang pangunahing tututukan nito ay ang matiyak na magkakaroon ng pondo ang lalawigan ng Sulu sa susunod na taon upang hindi maapektuhan ang serbisyo at iba pang mga pangangailangan ng lokal na pamahalaan lalo na ang mga mamamayan.