BBM1 “Nawa’y ang Cancer Care [Center] na ito ay maging simbolo ng ating mas magandang kinabukasan—kung saan ang sakripisyo ng ating mga OFW ay masuklian, ang kanilang pangarap ay mabigyang katuparan, at ang kanilang kalusugan ay pinapahalagahan,” ani Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nang pasinayaan niya ang Cancer Care Center sa OFW Hospital sa Pampanga.

PBBM pinasinayaan Cancer Care Center sa Pampanga

Chona Yu Dec 10, 2024
95 Views

PINASINAYAAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “Bagong Pilipinas Cancer Care Center” sa OFW Hospital sa Pampanga.

Ipinatayo ni Pangulong Marcos ang Cancer Care Center dahil ito ang pangalawang sanhi ng pagkasawi ng mga Filipino sa bansa.

“Aggressive as this terrible disease is, we need to be as equally aggressive in providing treatment for our patients – giving them hope, providing them with care, making them feel right at home, at the time they needed it most,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“This is why the hospital’s second floor will be dedicated to the Bagong Pilipinas Cancer Care Center. While this vision is clear, we acknowledge that much work remains to ensure that this facility would be equipped to serve those in need,” dagdag ng Pangulo.

Nabatid na ang Bagong Pilipinas Cancer Care Center ang tutugon sa tumataas na demand ng cancer treatment. Magsisilbi itong outpatient department at cancer treatment facility.

Una nang binuksan ni Pangulong Marcos ang OFW Hospital noong 2022 kung saan nasa mahigit 160 na pasyente ang daily outpatient capacity.

Tinatayang nasa 64 na pasyente ang kayang i-accommodate ng bagong care center kada araw.

Mayroon itong ibat ibang treatment modalities, kasama na ang chemotherapy, diagnostic at staging services, at surgical oncology at iba pa.

Magsisimula ang konstruksyon ng pasilidad sa Enero 2025 at inaasahang matatapos sa Nobyembre 2025. Target nitong maging operational sa unang quarter ng 2026.

Ipinatayo ni Pangulong Marcos ang pasilidad bilang pagkilala sa namayapang si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na aniyay hindi matatawaran angd edikasyon sa pagtulong sa mga overseas Filipino workers.

“Sa aming minamahal na OFWs, ang karagdagang pasilidad na ito ay para po sa inyo, sa inyong pamilya. Hindi naman natin hinahangad na magamit ninyo ito, ngunit mas makakahinga tayo [nang maluwag] kung alam natin na may matatakbuhan na ospital ang ating mga OFWs sa oras ng inyong pangangailangan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Nawa’y ang Cancer Care [Center] na ito ay maging simbolo ng ating mas magandang kinabukasan—kung saan ang sakripisyo ng ating mga OFW ay masuklian, ang kanilang pangarap ay mabigyang katuparan, at ang kanilang kalusugan ay pinapahalagahan,” dagdag ng Pangulo.