DENR

Tubig delikado sa asupreng mula Kanlaon Volcano — DENR

Zaida Delos Reyes Dec 12, 2024
45 Views

MAAARING magdulot ng panganib at kontaminasyon sa mga water sources ang ibinubugang sulfur dioxide o asupre ng bulkang Kanlaon sa Negros Island, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Tiniyak ng DENR ang panganib dulot ng chemical ng ibinubuga ng bulkan sa isinagawang pag-aaral ng Manila Observatory sa satellite imagery na inilabas ng Korean Space Agency.

Sa pag-aaral, natuklasan ng DENR na malaking porsyento ng ibinugang asupre sa himpapawid ang umabot na sa Panay Island.

Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, umabot sa layong 36,000 kilometro ang inabot ng asupreng ibinuga ng bulkan sa kalawakan.

Nangangahulugan ng malakas at mataas na concentration ang distansyang narating ng poisonous chemical.

Paliwanag ng kalihim, ang mataas na konsentrasyon ng asupre mapanganib sa mga pinagkukunan ng tubig dahil hindi ito ligtas inumin at hindi rin maaaring magamit sa irigasyon.

Nagsasagawa na ang DENR ng ilang water testing para matukoy ang kalidad ng tubig sa mga lugar na apektado ng pagputok ng bulkan.