Calendar
Kinakausap ni Police Capt. Dennis Turla ang suspek matapos sapakin ang biktima na nagresulta sa pagkamatay nito sa Tondo, Manila. Kuha ni JONJON C.REYES
Metro
Lalaki , 57, patay sa suntok ng helper
Jon-jon Reyes
Dec 22, 2024
569
Views
PATAY ang 57-anyos na lalaki matapos pagsusuntukin ng helper sa Gate 12, Parola compound, Brgy. 20, Tondo, Manila noong Linggo.
Bandang ala-1:30 ng madaling araw ng mangyari ang panununtok sa biktimang si Manuel Manalo ni Raffy Cabacang, 37.
Nabatid sa imbestigasyon na nagkaroon ng alitan ang biktima at suspek at ilang sandali pa sinuntok na ng suspek ang biktima ng ilang beses hanggang bumagsak sa lupa at mawalan ng malay.
Pinayapa ang suspek ng mga bystanders na naroroon sa lugar habang ang biktima isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center kung saan idineklara siyang dead-on-arrival.
2 ‘nangholdap’ ng helper huli sa Tondo
Aug 2, 2026
Suspek sa sexual assault inaresto
Aug 2, 2026
Salesdaly na wanted sa kasong gahasa, nasakote
Aug 2, 2026
5 nasawi sa nasunog na apartment sa Caloocan
Aug 2, 2026
Kahera timbog sa pangnenenok sa kita ng hotel
Aug 1, 2026

