Calendar
Kelot na nagbalak ipasubo ari sa Nene, niyari
DEAD-on-the-spot ang 54-anyos na watch technician matapos barilin ng amain ng babaeng nagsumbong na binosohan at pinagtangkaang ipasubo ang kanyang ari sa Brgy. 384, Quiapo, Manila noong Linggo.
Tumakas ang suspek na si Rotchan Ortega, 40, matapos mapatay ang biktimang si Ely Boctoy, ayon sa report.
Ayon sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-3:15 ng hapon nang pagbabarilin ang biktima ng stepdad ng menor-de-edad na babae.
Lumalabas sa imbestigasyon na bago ang pamamaril, nahuli ng babae na binobosohan siya ng biktima noong siya’y nasa shower room.
Nang makalabas ng shower room, tinutukan ng biktima ng patalim ang bata at pinilit umanong ipasubo ang kanyang ari sa batang bebot.
Nagbanta pa ang biktima na papatayin ang kanyang mga magulang kapag hindi siya sumunod.
Mabilis na nakapiglas ang bebot at tumakbo papalayo sa biktima at nagsumbong sa kanyang amain.
Namataan ng suspek ang biktima sa Helping Compound sa Tondo at doon na pinagbabaril ng 3 beses na namatay noon din.