DA inalis MSRP sa karne ng baboy
May 16, 2025
Calendar

Provincial
5 timbog sa droga, sugal, boga
Jojo Cesar Magsombol
Dec 26, 2024
180
Views
LIMANG lalaki noong Martes ang nahuli ng mga pulis sa aktong nagsusugal at may dala pang P68,000 na halaga ng shabu sa Sitio Lambak, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
Kinilala ni Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun ang mga suspek na sina alyas Prince, alyas Vincent, alyas John Lloyd, alyas Jordan at alyas Macmac na nahuli noong Disyembre 24 bandang alas-6:40 ng umaga.
Narekober nina PSSg Ryan Dichoso at Pat John Vic Louie Mallen, mga miyembro ng Station Drug Enforcement Team/Intel operatives ng Taytay police, ang limang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na 10 gramo na nagkakahalaga ng P68,000, cal. 38 revolver, apat na bala at perang taya.
Nakakulong ngayon ang mga naarestong suspek sa Fishport Custodial Facility.
2 kelot na sangkot sa droga, boga nalambat
May 16, 2025
SALAMAT LAGUNA PNP
May 16, 2025
May kasong 2 counts ng rape nasakote sa Ilocos Sur
May 16, 2025
SCO vs driver na bumangga sa Cavite, ikinasugat ng 5
May 16, 2025