Shabu Ang mga nakumpiskang boga at ilegal na paputok na isinagawa ng mga pulis sa San Jose City sa pangunguna ng hepe ng pulis na si Lt. Col. Erwin Ferry. Kuha ni Steve Gosuico

3 suspek na tulak laglag sa San Jose

Steve A. Gosuico Dec 29, 2024
53 Views

SAN JOSE CITY–Laglag sa kamay ng mga pulis ang tatlong hinihinalang tulak ng iligal na droga sa buy-bust na humantong sa pagkakasamsam ng shabu na nagkakahalaga ng P137,226 noong Biyernes.

Isinagawa ang drug test buy sa Zone 10D, Bgy. Abar 1st bandang alas-7:00 ng gabi.

Nasakote ang tatlong suspek na nasa edad 52, 50 at 32, ayon sa report.

Nasakote ang tatlong suspek nang makabili ang isang police poseur-buyer mula sa tatlo ng P2,000 halaga ng shabu.

Isinagawa ng city anti-illegal drug enforcement unit sa pakikipag-ugnayan sa provincial police drug enforcement ang drug buy-bust.

Nakuha mula sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng 20.18 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P137,226.

Na-impound din ang Kawasaki tricycle na ginagamit ng mga suspek sa ipinagbabawal na operasyon.

Samantala, naglunsad ng city-wide crackdown ang mga pulis San Jose laban sa mga iligal na paputok at improvised pyrotechnics sa Brgys. Abar 2nd, Sto. Niño 1st, Caanawan, Malasin, F. E. Marcos Sr., Santo Tomas at Sibut na nagresulta sa pagsuko ng 50 whistle bomb, 500 pop-up at 46 na boga (improvised cannon).