gemmo trinidad

Ang dorobo ng Napindan Gold!

Gemmo Trinidad Apr 22, 2022
702 Views

MULA July 1986, sa mahanging isla ng Oahu, Hawaii ay itinalaga ako ni Pangulong Marcos bilang kaniyang spokesperson. Matapos akong sumangguni tungkol sa mga isyung maari naming kaharapin sa darating na mga araw, ako ay nagulat ng bigla ako tanungin ni Pangulong Marcos ng “Nakuha daw nina Cory ang ibang makitab natin? Paki check mo nga. Malaman ko sayo agad.”

Matapos ang tatlong araw ng report ako kay Pangulong Marcos at sinabi kong  “Sir, confirmed! Sa Napindan. Doon nila nakuha!”

“Humanda ka. . . maraming dorobo ang darating. Maghahagad na makipagkasundo satin! Be ready and carefull,” palaala pa niya sa akin.

Matapos ang isang linggo yung representative ng Atlantic Gulf and Pacific Lte (AG&P) sa Hawaii ay tumawag saying to expect a call from the Philippine consulate. Tumawag nga ang konsulado at sinabi na ipapaalam nila kung kailan darating ang mga kinatawan ni Pangulong Cory.

Nakatanggap ako ng kopya ng isang telex message na mula diumano kay Ambassador Emmanuel Pelaez ang embahador ng Pilipinas sa US para sa konsulado ng Pilipinas sa Honolulu. Sinasabi sa telex darating nga ang mga kinatawan ni Pangulong Cory. At ang instruction ay i-tsubibo ang mga Marcos. Total di naman papayag si Cory sa kung anuman gusto ng mga Marcos.

At January 26, 1988 dumating ang pinsan ni Cory na si Igmidio Tanjuatco. At February naman dumating si Francisco Sumulong, Majority Floor Leader ng Philippine Congress.

It was a very private meeting between Marcos and the relatives of Cory!

Nawatasan ko lamang kung ano ang kanilang pinagusapan ng utusan ako ni Marcos na gumawa ng sulat para kay Cory na payag siya sa hatiang 50/50 at na kung saan ay papayagan din siya at ang kaniyang pamilya ng umuwi sa Ilocos Norte.

Makalipas ang ilang araw may mensahe mula sa mga Aquino na di sila payag sa 50/50 hatian. Iminungkahi nila ay 60/40, na naging 70/30. At kalauan ay naging 80/20 at ang kahulihan ay 90/10.

At sa palitang ito ng mga mensahe ay isang Americano na ang namamagitan. Siya si Allen Weinstein ng Center for Democracy ng Washington D.C.

Tinanong ni Marcos kung ano ang parte ng Pilipino people sa usapan. Sinagot siya ni Weistein na “the Pilipino people is not part of the deal!”

Immediately I was instructed by President Marcos to prepare a letter to Cory Aquino saying that, he is going to give his 10% share to the Pilipino people!”

Several days later, sinabi ni Weistein na pumayag na si Cory sa kagustuhan ni Marcos ayon sa huli nitong sulat.

Masaya na agad itinanong ni Marcos si Weistein – “When will we go home?”

Isang maikli at madiin na sagot ang ibinigay ni Weistein – “YOUR GOING HOME IS NOT PART OF THE DEAL!”

Simple na may sama ng loob ang naging sagot ni Marcos – “Then there is NO DEAL!”

Agad naman nag-press release ang Aquino government na “ibinabalik na ni Marcos ang 10% ng nakaw na yaman sa Pilipinas” na isang kasinungalingan dahil hindi ito naaayon sa nilalaman ng huling sulat ni Marcos.

Habang nagaganap ang huwad na negosasyon sa dalawang panig, patuloy naman ang pagsasagawang mailipat ang 4,000 tonelada ng Napindan Gold sa US.

Makalipas ang isang buwan nakatanggap ako ng tawag mula sa isang kaibigan sa San Francisco, California. Siya ay isang Pilipino bank employee ng First Inter State Bank. Nagkaroon daw ng malaking fund transfer sa kanilang bangko. Ito ay sa pangalan nina Cory Aquino, Emmanuel Soriano, Peping Cojuangco at Joker Arroyo.

Sila ba ang mga dorobo ng ginto sa Napindan?