CAAP Source: CAAP

Mga flights nakansela dahil sa sama ng panahon

Jun I Legaspi Jan 8, 2025
17 Views

INANUNSUYO ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagkansela ng ilang flight nitong Enero 8, 2025, dahil sa masamang lagay ng panahon na nakaapekto sa ilang pangunahing lugar.

Sa Virac Airport, kinansela ang mga Cebu Pacific flight 5J 821 at 5J 822 (Manila-Virac-Manila), kung saan 311 pasahero ang naapektuhan. Sa parehong dahilan, kinansela rin ang mga CebGo flight DG 6113 at DG 6114 (Manila-Naga-Manila) sa Naga Airport, na nakaapekto sa 134 na pasahero. Sa Masbate Airport, kinansela rin ang isang flight, DG 6080 at DG 6081.

Agad namang tumulong ang mga tauhan ng CAAP sa mga naapektuhang pasahero sa proseso ng rebooking o refund, pag-claim ng bagahe, at pagbibigay ng seguridad.

Tiniyak ng ahensya na ginagawa ang lahat ng hakbang upang mabawasan ang abala at maayos agad ang mga problema dulot ng pagkansela ng mga flight.

Inatasan na rin ang mga tagapamahala ng paliparan na magbigay ng malinaw at agarang komunikasyon sa mga pasahero at tiyaking mabibigyan sila ng nararapat na tulong sa panahong ito. Karagdagang mga hakbang ang ipinatutupad upang mabawasan ang mga pagkaantala at ang abala sa mga pasahero.

Binibigyang-diin ng CAAP ang kanilang dedikasyon na unahin ang kaligtasan ng mga pasahero habang hinaharap ang mga hamong dulot ng masamang lagay ng panahon. Hinihikayat ang mga manlalakbay na manatiling nakaantabay sa mga anunsyo at makipag-ugnayan sa mga airline personnel para sa karagdagang impormasyon.