NAIA

Muntik mabiktima ng scam hub naharang sa NAIA

Jun I Legaspi Jan 12, 2025
26 Views

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 35-anyos na lalaki sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na umano’y naloko para magtrabaho sa isang scam hub sa Cambodia.

Ayon kay Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) Chief Mary Jane Hizon, nagpakilalang turista na patungo sa Hanoi, Vietnam, ang naharang sakay ng Cebu Pacific flight sa NAIA Terminal 3.

Subalit sa secondary interview, inamin ng pasahero na ang tunay niyang destinasyon sa Cambodia at inamin na na-recruit sa pamamagitan ng Facebook at inalok ng trabaho sa isang business process outsourcing (BPO) company.

Ang recruiter umano ang nagpadala ng lahat ng mga dokumentong kinakailangan sa pamamagitan ng Telegram app at inutusan siyang dumaan muna sa Vietnam bago pumunta sa Cambodia.

“These so-called BPOs are often fronts for scam hubs engaging in illicit activities such as catfishing, where individuals are forced to deceive victims online for financial gain,” diin ni Hizon.

Nagbabala naman si BI Commissioner Joel Anthony Viado sa publiko na mag-ingat laban sa mga illegal recruiter at online syndicate.