BBM

19 incumbent mayor sa Bulacan tiniyak landslide victory ni BBM

234 Views

HINDI lamang simpleng panalo kundi landslide victory ang ibibigay ng mga opisyal ng Bulacan kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa May 9 elections.

Sa isang face-to-face meeting sa BBM headquarters sa Mandaluyong City noong Biyernes, nangako ang 19 na incumbent mayor sa Bulacan at ilang mayoralty candidate na ipapanalo si Marcos sa paparating na halalan.

Isang manifesto ang ibinigay ng mga alkalde kay Marcos upang selyohan kanyang pagsuporta.

“Sa amin po iisa lang ang message. Panalo na, kaya lang di tayo puwedeng matulog. At the end of the day bantay pa rin,” sabi ni Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz Jr., pangulo ng League of Municipalities of the Philippines-Bulacan Chapter.

Kasama din sa pagpupulong ang mga alkalde na sina Christian Natividad (Malolos), Vergel Meneses (Bulakan), Amboy Manlapaz (Hagonoy) kasama ang kanyang misis na si Flordeliza Manlapaz na tumatakbong alkalde, Ferdinand Estrella (Baliuag), Francis Albert Juan (Bustos), at Henry Villarica (Meycauayan).

Naroon din sina Ricardo Silvestre (Marilao), Edwin Santos (Obando) at misis nitong si Esperanza Santos na tumatakbong alkalde, Guiguinto mayoralty candidate Agatha Paula Cruz, Crispin Castro (Pandi), Eladio Gonzales Jr. (Balagtas), Jose Santiago Jr. (Bocaue), Arthur Robes (San Jose Del Monte City), Eric Tiongson (San Miguel), Jocell Casaje (Plaridel), Mary Ann Marcos (Paombong), at Leo Nicolas na kinatawan ni Norzagaray Mayor Ade Cristobal.

Nagpasalamat naman si Marcos sa mga alkalde at tumatakbong mayor sa kanilang pagsuporta sa kanya.