Calendar
BOC di maiisahan ng mga ismagler ng droga
ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at paguloy na pinapatnubayan ng Panhinoong Hesus.
Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at ang kaibigan ng halos lahat ng Filipino sa Japan si Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joann de Guzman ng Oman.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
****
Habang painit ng painit ang usapang politika sa bansa dahil sa darating na May 12 elections ay mukhang sinasamantala naman ng mga ismagler ng illegal drugs ang sitwasyon.
Siguro ang akala ng mga ismagler na ito ay maiisahan nila ang mga taga-Bureau of Customs (BOC) na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
Ang hindi nlla alam, habang naka-focus ang atensyon ng taumbayan sa eleksyon ay nakatuon naman ang pansin ang mga tauhan ni Rubio sa pagtupad sa utos ni Pangulong Marcos.
Matatandaan na ang unang marching order ni Pangulong Marcos sa BOC ay patigilin ang ismagling ng illegal drugs at produktong agrikultura.
Ito ay maliban pa sa pagpapaigting sa revenue collection efforts, paglaban sa graft and corruption, pagpapabilis ng digitalization, at lalong ayusin ang trade facilitation.
Sa tingin ng maraming waterfront observers, baka magbago uli ang modus operandi ng mga nagpupuslit ng illegal drugs sa bansa.
Lagi kasi silang nabubutata ng mga men and women in customs uniform.
Kagaya ng nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.
Isang pasaherong galing ng South Africa na may dala-dalang shabu na dinaga siguro ang dibdib nang dumating sa NAIA.
Kaya inabandona na lang niya ang kanyang luggage na may lamang 10,700 gramo ng methamphetamine hydrochloride
Mas kilala sa tawag na shabu, ang mga droga ay nakalagay sa limang handbags, apat na file organizer bags at isang portfolio bag.
Ayon sa report, ang eroplanong sinakyan ng pasahero ay may stopover sa Doha, Qatar bago tumuloy ng Pilipinas.
Nagkakahalaga ng P72, 8 milyon, ang shabu ay ibinigay kaagad sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) for disposition.
PDEA ang siyang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB).
Ang BOC operation sa NAIA Terminal 3 ay isinagawa in close coordination sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.
Kasama din sa operasyon ang Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, PDEA, PNP Aviation Security Group, Airport Police Department, PNP Drug Enforcement Group at National Bureau of Investigation.
Pinuri ni Commissioner Rubio ang mga ahensyang kasama sa anti-illegal drug operations sa NAIA Terminal 3.
Sinabi naman ni NAIA BOC District Collector Yasmin O. Mapa na lagi silang handa sa pagpigil sa entry ng illegal drugs sa bansa.
Good job, mga bossing.
***
Puwede pa lang i-video ng publiko, kasama na ang mga motorista, ang ginagawang checkpoint ng mga pulis.
Nagsasagawa ng checkpoint ang Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para ipatupad ang tinatawag na “election gun ban.”
Ang gun ban ay naglalayong iwasan ang paggamit ng baril at iba pang deadly weapons sa panahon ng election campaign period.
Pati nga mga sundalo at pulis ay hindi dapat magdala ng baril outside of residence kung walang written permit ang Commission on Elections (Comelec).
Kung gusto mong magdala ng baril sa panahon ng election period ay dapat kumuha ng gun ban exemption sa poll body.
Kahit na nagsimula na ang 120-day election period ay hindi pa puwedeng mangampanya ang mga kandidato.
Ang mga national candidates – senador at party-list groups – ay puwedeng mangampanya simula sa Pebrero 11, which is 90 days bago ang halalan.
Ang mga lokal na kandidato naman, kagaya ng gobernador, alkalde at konsehal, ay puwedeng mangampanya simula March 28.
Dapat bantayan mauge ng COMELEC ang mga kandidato.