Lacuna1

New V. Mapa school building gagawin na

Edd Reyes Jan 20, 2025
11 Views

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang groundbreaking ng pitong palapag na gusali ng Victorino Mapa High School noong Lunes sa San Miguel, Manila.

May sukat na mahigit sa 21,000 metro-kuwadradong floer area, gugugulan ng P298,961,618.01 at inaasahang matatapos sa Mayo 2026 ang bagong school building.

Ayon sa alkalde, iniaalay nila ang itatayong gusali ng V. Mapa High School sa 2,767 estudyante, 129 na mga guro at 27 kawani.

Sa na makumpleto, magkakaroon ng 162 silid-aralan, malawak na silid-aklatan, canteen, 16 na science room, anim na laboratories, 650-metro-kuwadradong gymnasium, 208-na upuan sa auditorium at limang elevators ang school building.

“Because of the limited land area of 3,771.15 square meters, we had to maximize the space by building upward to seven stories.

That multiplied by over five times the total floor area of the project. While the construction of the main building is underway, the classes will be conducted at the annex building,” sabi ng alkalde.

Ang campus complex pinondohan ng Special Education Fund FY 2024 Division of City Schools Manila.

“Para talagang kumpleto, palalagyan din natin sa City Council, sa ating mga congressman, at sa charitable donors ng satellite internet dishes at fiber internet para sa high-capacity internet access for the whole campus population.

Hindi kakayanin ng isang satellite dish lang para sa dami ng mga estudyante at personnel,” psabi pa ni Mayor Honey.

“Magpapatuloy ang allowances para sa Grade 12 students, education assistance para sa qualified na mag-aaral, at mga social amelioration programs kung saan qualified ang mga miyembro ng V. Mapa High School campus community,” dagdag pa niya.