Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
Tulfo1

Cong. Tulfo isinusulong gamot, gamit sa lahat ng ospital ng gobyerno

22 Views

ISUSULONG Lunes ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at ilan pang mga kasamahan sa Kongreso ang isang batas na magtatakda sa Department of Health (DOH) na lagyan na ng mga gamit at gamot ang lahat ng mga ospital ng pamahalaan sa buong bansa partikular na sa mga liblib na lugar.

Ang panukalang batas ni Cong. Tulfo, kasama sina ACT-CIS Representatives Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Benguet Cong. Eric Yap ay Quezon City Rep. Ralph Tulfo, ay may pamagat na “Universal Medical Access and Equipment Act of 2025”.

“Nakakasawa ng marinig mula sa mga kababayan natin lalo na yung sa mga probinsya na walang gamit at gamot ang ospital nila”, ani Tulfo na House Deputy Majority Leader din.

Ayon sa mambabatas, “Ang problema kasi ang pinopondohan lang ng DOH ay yung mga ospital na under sa kanila na mga malalaking ospital tulad ng Lung Center, NKTI, East Ave Medical at iba.”.

“Pero pag ang ospital under sa LGU, yun ang kawawa dahil hindi na sakop ng DOH funding kaya kulang-kulang o walang gamit at mga gamot lalo na pag yung ospital manage ng mahirap na LGU”, paliwanag ni Tulfo.

Dagdag pa ni Tulfo, may mga ospital nga daw sa mga probinsya o munisipyo pero pag wala namang gamit o gamot, ano pa ang silbi nito?”

Karamihan sa mga ospital sa mga probinsiya o munisipyo bukod sa walang gamot, ay walang mga basic na gamit tulad ng x-ray, ECG machine, at ultrasound.

“With this bill, lahat ng government hospital, whether hawak ng national government o LGU, kailangan bilihan ng gamit at gamot ng DOH through their medical assistance for indigent and financially incapacitated patients o MAIFIP funds”, ani Tulfo.

Pahabol pa ng mambabatas, kung kailangan daw dagdagan ang pondo ng DOH sa susunod na taon para dito, susuportahan daw niya.

“Kaysa mapunta sa mga walang mga katuturan na proyekto, bakit hindi pa sa gamot at medical equipment,” aniya.