Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
NBI File photo ng mga naarestong Tsino na hinihinalang espiya nang iniharap nina NBI Director Judge Jaime Santiago at AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., matapos magsagawa ng punong balitaan sa tanggapan ng NBI. Kuha ni JON-JON REYES

BI: Dayuhang espiya nasa PH na mula 2002

Jon-jon Reyes Feb 2, 2025
14 Views

MATAGAL nang nakapasok at tila nakapag-ugat na sa lipunan ang mga dayuhang espiya na kamakailan lang naaresto ng mga awtoridad, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Batay sa imbestigasyon, ilang dekada na umanong naninirahan sa bansa ang mga suspek.

“Some have been here as early as 2002,” pahayag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado sa isang news release nitong Linggo.

“May hawak silang legal na status at matagal nang nakatira sa bansa bago sila nadiskubreng may kahina-hinalang aktibidad ng National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP),” dagdag niya.

Nabatid na ang ilan sa mga inaresto ay may working visa na konektado sa mga kompanyang matatagpuan sa San Juan at Maynila, habang ang iba naman ay kasal sa mga Pilipino.

Nanawagan si Viado sa publiko na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos ng mga dayuhan na maaaring magbanta sa pambansang seguridad.

Kasama ng Department of Justice (DOJ), NBI at AFP, patuloy na nangangalap ng impormasyon ang BI upang mapalakas ang kaso laban sa mga suspek.

Dagdag pa ni Viado, hahabulin din ng DOJ ang mga kasabwat ng mga dayuhang espiya upang masigurong mapatawan sila ng pinakamabigat na parusa.