Calendar
PBBM pinasalamatan Thailand ambassador
PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Thai Ambassador to the Philippines Tull Traisorat dahil sa kontribusyon na mapalakas pa ang bilateral ties ng Pilipinas at Thailand.
Ipinaabot ni Pangulong Marcos ang pasasalamat nang mag-farewell call ang ambassador sa Palasyo ng Malakanyang.
“I’d like to take this opportunity to thank you for everything you have done to bring our countries closer. Thailand and the Philippines have forged many new agreements and many new alliances in the past years,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, lumakas ang Philippines-Thailand cooperation sa post-pandemic recovery, economic policies, at diplomatic engagements dahil sa tour of duty ng ambassador.
Nagpasalamat naman si Tull kay Pangulong Marcos.
Mayroong 54 bilateral agreements ang dalawang bansa kabilang na sa air services, agrikultura, pagtanggal sa entry visas, turismo, technical, scientific, at cultural cooperation.
Nasa $10.81 bilyon ang total trade ng dalawang bansa kung saan nasa $2.93 bilyon ang Philippine exports at nasa $7.87 bilyon ang Philippine imports.
Nasa $64.72 milyon ang remittances ng mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Thailand.