Pokwang: Eala na pong deportasyon na mangyayari

Aster A Amoyo Feb 6, 2025
14 Views

BALIK-teleserye si Pokwang matapos ang dalawang taon. Mapapanood siya sa GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit,na pagbibidahan nila ni Herlene Budol.

Sa serye, gaganap si Pokwang bilang Mayumi, ang biological mom ni Ikit, na gagampanan ni Herlene. Malapit ang karakter niya sa kanyang tunay na buhay dahil, gaya niya, nagtrabaho rin si Mayumi sa Japan at umunlad ang buhay.

“Madalas kasi nanay ako, mahirap. Dito sa Binibining Marikit, nag-Japan pa kami, hello? Amoy mayaman naman ako dito, maiba lang,” ani Pokwang.

Bukod pa rito, nanay rin si Mayumi ng dalawang binata na anak niya sa magkaibang foreigner. Gaganap na mga anak niya sa serye sina Tony Labrusca at ang Thai-Irish model and Manhunt International 2024 Kevin Dasom.

Matatandaang pina-deport ni Pokwang ang kanyang dating partner na si Lee O’Brian, isang American national.

Biro tuloy ni Pokwang, “Wala na pong deportasyon na mangyayari.”

Dugtong niya. “Yung mga pinagdaanan po namin ni Herlene, wala na po. Kabag na lang po ‘yun, naibuga na po namin ‘yun this time.”

Samantala, thankful din si Pokwang na nakatrabaho niya ang kanyang TiktoClock co-host sa soap opera dahil, aniya, para na rin silang tunay na mag-ina sa set ng Binibining Marikit.

Barbie at Uge hindi alam na nagkasama na sila sa pelikula

EugeneBAGONG BFFs sina Barbie Forteza at Eugene Domingo. Pareho nilang paborito ang sport na tennis at nag-enjoy sila sa laro nila.

“Ang saya saya!!! Thank you for giving me time this morning!!” comment ni Uge sa pinost ni Barbie sa Instagram.

First time na magkasama ang dalawa sa Netflix film na ‘Kontrabida Academy’ na dinirek ni Chris Martinez.

Hindi siguro aware sina Barbie at Uge na nagkasama na sila noon sa “Bangungot” episode ng Shake, Rattle & Roll 9 in 2007. Wala nga lang silang eksenang magkasama. Si Barbie ang gumanap na batang Roxanne Guinoo sa flashback scene at si Uge naman ang nagbibigay babala tungkol sa bangungot sa present day Roxanne.

After ng two MMFF movies (Espantaho, And The Breadwinner is…), babalik sa theatre si Uge via the musical ‘IntoThe Woods’ in August kasama si Lea Salonga.

Natapos naman ni Barbie ang psychological horror na Penthouse 77 ni Derick Cabrido. Kasama niya rito sina Euwenn Mikaell, Rosanna Roces and Gina Pareño.

Wowie ibinakita ang pagkamatay ng dating kasamahan

WowieMALUNGKOT na inilahad ni Wowie De Guzman ang pagpanaw ng kanyang dating kasamahan sa Universal Motion Dancers (UMD) na si Norman Santos.

Sa kanyang Facebook post noong Lunes, February 3, ibinahagi ni Wowie ang ilang mga larawan niya kasama ang dating ka-grupo.

Sa caption, isang madamdaming na mensahe ang kanyang sinulat para sa pumanaw na si Norman.

“UTOL….mahal na mahal ka namin. Hindi man naging maayos ang pagsasama ng grupo sa huli..at the end of the day magkakapatid tayo.Wala akong ibang hangad kundi kabutihan nating lahat..pasensya ka na sa mga pagkukulang ko sayo Man..mahal na mahal ka namin…hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil sayo…we love you Norman Santos UMD for Life…kitakits tayo nila Gerald sa finals ng buhay ko.”

Ang tinutukoy ni Wowie na Gerald ay si Gerard Faisan, isa ring dating miyembro ng UMD. Pumanaw siya noong 1997 sa edad na 23.

Ang pagpanaw ni Norman ay kinumpirma ng kanyang partner na si Chato Maria ngayong Miyerkules, February 5.

Ayon sa kanyang post, matagal nang may karamdaman sa kidney ang dating dancer.

“It is with great sadness that I announce the passing of Norman Santos on February 3, 2025, after a prolonged fight against kidney failure, necessitating dialysis for over 12 years. TENTATIVE Viewing will take place from February 12 to 16 @St Peter Memorial Chapel in Tabacuhan, Olongapo City,” sulat ni Chato sa kanyang Facebook post, kalakip ang larawan ng 52-year-old na si Norman.

James maraming nagagalit

JamesRAMDAM na ramdam ni James Blanco ang inis ng manonood sa kanyang karakter na si Rigor sa afternoon series na Forever Young.

Natatawang ikinuwento ni James ang reaksyon sa kanya ng ilang netizens lalo na kapag nagla-live ito sa kanyang social media accounts.

“Alam n’yo ba minsan ‘pag nagla-live ako sa TikTok, sa [social media], ang daming galit sa akin,” sabi ni James. “Pinatay mo si ganto, si ganun. Sino pa ang papatayin mo?

“Parang this week or next week may mamamatay na naman,” pagtukoy nito sa pagkamatay ni Oliver, na ginampanan ni Yasser Marta, kung saan siya rin ang pumatay.

“So lahat sila, ‘Rigor! Salbahe ka! Ano pa plano n’yo ni Gov. Esmeralda (Eula Valdes)?’

Ayon pa kay James, mas marami pang dapat na abangan ang manonood ngayon sa Forever Young dahil maraming rebelasyon ang mangyayari.

Natutuwa naman ang aktor sa reaksyon ng mga manonood kay Rigor dahil patunay lamang ito na epektibo niyang nagampanan ang kanyang karakter sa serye.

“Pero natutuwa ako kasi alam mo ‘yon, effective ‘yung character ko as Rigor and nagpapasalamat ako sa tiwala na ibinigay sa akin ng production, ng team.”