WPS Source: PCG

PH patuloy na dedepensahan ang WPS sa kabila ng panggugulo ng China

Chona Yu Feb 6, 2025
14 Views

AMINADO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang kakayahan ang Pilipinas na palayasin ang monster ship ng China sa West Philippine Sea.

Sa press conference sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na bagamat walang kakayahan ang Pilipinas, mananatili pa rin ang presensya ng mga barko ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy para protektahan ang teritoryo ng Pilipinas.

“Well, we don’t have the means na paalisin. Hindi naman – buti kung mayroon tayong aircraft carrier na may kasamang destroyer, frigate, at saka submarine na papupuntahin natin doon para matulak silang palayo. Wala naman tayong ganoon,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kung sa palakihan at paramihan lang ng barko, malayo tayo sa China. Pero ang policy naman natin is that we will just continue to defend our territorial, our sovereign territory and our territorial rights in the EEZ. ‘Yun lang,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, tuloy ang misyo ng PCG at Navy kahit ano pa ang gawin ng China.

“Ang iniisip namin, ano bang mission ng Coast Guard? Ano bang mission ng Navy? To protect the territorial integrity of the Philippines. So, that’s what they will do. They will continue to do that no matter what any other foreign power does, that is what we will do,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“No matter what they do. Kahit na – iyon na nga, kahit na banggain na ‘yung barko natin, kahit na mag-water cannon sila, mag-laser sila, kahit kung ano pang gawin nila, mag-block sila, laging nandiyan ang Pilipinas. We will always be there protecting our territory. We will always be there making sure our fishermen are able to exercise their sovereign rights. Nandiyan lagi,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na walang tugon ang China sa inilatag na kondisyon ng Pilipinas bago alisin ang Typhon Missile sa bahagi ng Luzon.