PBBM

PBBM kumpiyansa walang negatibong epekto impeachment sa ekonomiya

Chona Yu Feb 7, 2025
14 Views

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang negatibong epekto sa ekonomiya ang impeachment kay Vice President Sara Duterte.

“I doubt it very much,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Wala naman akong nakikitang magiging effect na ganon,” dagdag ng Pangulo.

Ayon kay Pangulong Marcos, pursigido ang administrasyoon na palakasin ang investment plans, strategies, at structural changes para masigurong matatag ang ekonomiya ng bansa.

“Yun lang naman ang tinitingnan ng investors, so I don’t think it will have any effect,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na wala siyang kinalaman sa pagpapatalsik sa puwesto kay Duterte.

Gayunman, sinabi ni Pangulong Marcos na nakahanda siyang magpatawag ng special session habang naka-break ang Kongreso para umusad ang impeachment trial.

Nasa 215 na kongresista ang lumagda sa impeachment complaint laban kay Duterte.

the President said in referring to the impeachment proceedings.

inirereklamo si Duterte sa hindi tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan, bribery, corruption at hindi maipaliwanag na yaman.