Eagles BJ Andrade ng Ateneo nagbida sa panalo laban sa FEU. UAAP photo

Eagles umabante sa finals

Theodore Jurado May 5, 2022
318 Views

MAGAAN na dinispatsa ng defending champion Ateneo ang Far Eastern University, 85-72, upang masambot ang ikalimang sunod na Finals appearance sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.

Bumuslo si BJ Andrade ng 16 points habang nagdagdah sina SJ Belangel at Gian Mamuyac ng 14 at 12 points, ayon sa pagkakasunod, at nagpakawala ang Blue Eagles ng 33-point second quarter upang sibakin ang o Tamaraws.

Sa pagposte ng malaking bounce back win, maghihintay ang Ateneo ng bukas upang madetermina ang kanilang kalaban sa best-of-three Finals.

Inilabas ni Evan Nelle ang kanyang pinakamagandang laro sa La Salle uniform, nang dinala ng third-ranked Green Archers ang University of the Philippines sa Final Four decider sa pamamagitan ng 83-80 panalo.

“We honestly put things behind us,” sabi ni Blue Eagles coach Tab Baldwin matapos makabawi mula sa 83-84 pagkatalo sa Fighting Maroons. “We put it behind us because FEU is the only game that matters.”

Ang pagkatalo ay siyang nagwakas sa six-game winning streak ng UP laban sa La Salle na nagsimula noong 2018 at nasa peligro na masayang ang twice-to beat semifinals advantage sa ikalawang sunod na season.

Maghaharap ang Maroons at Archers para sa nalalabing silya sa best-of-three title series sa alas-6 ng gabi bukas sa pareho ring Pasay venue.

“The boys really played hard today. The boys played 40 minutes of solid basketball. It was a disciplined effort and everyone was on the same page today,” sabi ni La Salle coach Derrick Pumaren.

Nagpakawala si Nelle, ang transferee mula sa San Beda, ng UAAP career-high 26 points bukod pa sa pitong assists, anim na rebounds at tatlong steals.

Hindi inalintana ang ankle injury, napalawig ni graduating big man Justine Baltazar ang kanyang stint para sa Archers na may double-double outing na 15 points at 18 rebounds.

“Wala nang bukas pa. Ibinigay na talaga yung best namin kaya naging maganda ang resulta,” sabi ni Baltazar, na nagsumite rin ng tatlong assists at dalawang blocks.

Malayo ang UP, na pinutol ang 39-game winning streak noong Linggo, sa porma na nagpataob sa defending three-time champions.

Nagpakawala si Nelle ng siyam na puntos sa 18-7 palitan ng Archers upang itarak ang pinakamalaking abante sa laro, 66-44, sa 2:23 mark ng third.

Nabaon sa 63-79 sa kalagitnaan ng payoff period, nakuha na rin ng Maroons ang porma at nakahirit pa sa 78-81 mula sa tres ni Gerry Abadiano may 13.1 segundo ang nalalabi.

Naiselyo lamang ng La Salle ang panalo matapos maisyut ni Nelle ang dalawa sa apat na foul shots sa huling 12.1 segundo.

“Sa ganitong klase ng season, wala nang panahon para malugmok. We have to bounce back,” sabi ni UP coach Goldwin Monteverde.

Hindi nagamit si CJ Cansino dahil sa bone bruise knee injury na kanyang tinamo sa panalo ng Maroons kontra sa ‘ Blue Eagles.

Nanguna si Senegal’s Maodo Diouf ng 18 points, 20 boards, tatlong blocks at tatlong assists habang nagdagdag rin si Ricci Rivero ng 18 points bukod pa sa walong rebounds, limang blocks, dalawang steals at dalawang assists para sa UP.

Iskor:

Unang laro

DLSU (83) — Nelle 26, Baltazar 15, Lojera 11, M. Phillips 7, Austria 7, Winston 7, Nwankwo 4, Nonoy 3, Manuel 3, B. Phillips 0.
UP (80) — Diouf 18, Rivero 18, Lucero 17, Tamayo 8, Abadiano 7, Cagulangan 6, Spencer 3, Alarcon 3, Ramos 0, Fortea 0, Webb 0, Lina 0.                                                                                                          Quarterscores: 24-16, 48-37, 66-55, 83-80

Ikalawang laro

Ateneo (85) — Andrade 16, Belangel 14, Mamuyac 12, Ildefonso 11, Kouame 9, Daves 9, Lazaro 4, Verano 3, Koon 3, Chiu 2, Tio 2, Padrigao 0.vvvv
FEU (72) — Abarrientos 16, Ojuola 13, Bienes 13, Gonzales 9, Sleat 6, Alforque 5, Tempra 4, Torres 3, Celzo 2, Sajonia 1, Coquia 0.
Quarterscores: 16-16, 49-33, 65-48, 85-72