Dimacuha

Batangas City mayor binisita ng 40 day care pupils

13 Views

BUMISITA kay Batangas City Mayor Beverley Dimacuha ang 40 pupils ng Early Childhood Care and Development (ECCD) sa Brgy. Mabacong, Batangas City noong Lunes bilang bahagi ng field trip ng mga bata at upang makilala ang alkalde.

Nagpasalamat si Child Development Worker (CDW) Melai Arevalo kay Mayor Dimacuha sa pagkakaloob ng isang air conditioning unit upang maging mas komportable ang pag-aaral ng mga bata sa day care center.