Pulis Kasalukuyang inoobserbahan ng mga mangagamot ang biktimang pulis. Kuha ni JONJON C. REYES

Pulis Maynila inaresto drag racing suspek, sinagasaan, sugatan

Jon-jon Reyes Feb 26, 2025
15 Views

KASALUKUYANG inoobserbahan sa Chinese General Hospital ang isang pulis Maynila matapos sagasaan ng isa sa mga naarestong suspek na sangkot umano sa ilegal na drag racing sa kahabaan ng Service Road,Roxas Blvd. corner Paseo Del Carmen, Malate, Maynila, Martes ng madaling araw.

Nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga tauhan ng Remedios PCP mula sa isang concerned citizen hinggil sa naganap na illegal drag race sa nasabing lugar.

Sina PSSg. Jomar Lappay, Pat. Magtangol Nuque III, Pat. Ralph Aldrin Yamar, Pat. Rowell Christian J. Manansala Hernandez at Pat. Cesar Dizon III, mga nakatalaga sa Remedios PCP,MPD Ermita Police Station 5, ay agad tumugon sa sumbong at nilapitan ang mga suspek na nagpulasan sa iba’t ibang direksyon.

Isa umano sa suspek ay sinagasaan ng kanyang Yamaha NMAX na motorsiklo si Pat. Hernandez.

Nadulas ang suspek at bumangga kung kaya’t siya ay naaresto.

Dalawang suspek din ang natimbog.

Nahaharap sa mga kasong frustrated murder, serious resistance and disobedience to a person of authority at alarm and scandal ang mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office.