Revilla

Senador Bong Revilla mainit na sinalubong ng mga Batangueno

Mar Rodriguez Feb 28, 2025
15 Views

Revilla1Revilla2MAINIT na sinalubong ng libo-libong residente mula sa bayan ng Nasugbu, Tuy, Balayan at Calaca Batangas si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. matapos nitong dayuhin ang naturang lalawigan para dito isagawa ang kaniyang pangangampanya.

Nabatid ng People’s Taliba mula sa kampo ng senador na naging mainit ang pagsalubong ng mga Batangueno kay Revilla kung saan naglabasan umano sa kalsada ang napakaraming residente para masilayan ito habang ang iba naman at tuwang-tuwa na siya’y makita.

Labis na ikinagalak ni Revilla ang manit na pagsalubong at pagtanggap sa kaniya ng mga Batanggenyo na itinuturing nito na isang uri ng pagmamahal ng buong mamamayan ng Batangas.

Sa kaniyang pagbisita sa Batangas, muling tiniyak ni Revilla ang kaniyang commitment na mailapit ang gobyerno sa taongbayan partikular na sa mga mahihirap na mamamayan.

“Napaka-init ng pagsalubong ng mga Batangueno sa tiwala at pagmamahal pa lang lamang na ipinakita niyo, pakiramdam ko ay mananalo na ako,” wika ni Revilla.

Samantala, ikinagalak naman ni Revilla ang pamamahagi o “inaugural distribution” ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ng P10,000 para sa mga Lolo at Lola na umabot na sa edad na 80 alinsunod sa itinatakda ng Republic Act No. 11982.

“Lubos akong natutuwa sa wakas ay ay nagsimula na ang pamamahagi natin ng cash gift sa mga Lolo at Lola na umabot sa edad na 80, 85, 90 at 95. Emotional moment po ito para sa akin dahil matagal ko itong pinaglaban,” sabi pa ni Revilla.

Si Revilla ang principal author ng RA No. 11982 o ang “Expanded Centenarians Act” na naglalayong mabigyan ng cash gift o incentives ang mga Lolo at Lola (Senior Citizens) na umabot na ng edad 80 pataas.