Heaven walang problema sa pamilya Pacquiao

Vinia Vivar Feb 28, 2025
15 Views

Nilinaw ni Heaven Peralejo ang mga naging issue sa kanyang ex-boyfriends na sina Kiko Estrada at Jimuel Pacquiao, anak nina Manny at Jinkee Pacquiao.

Matatandaang naakusahang third party si Heavean sa breakup ni Kiko at ng ex-girlfriend nito na si Devon Seron.

Ilang buwan kasi matapos ang breakup ay nagkaroon naman ng relasyon sina Heaven at Kiko.

Sa guesting ni Heaven sa show ni Boy Abunda, ay isa ito sa kanilang mga napag-usapan.

Ayon kay Heaven ay nagkaroon lang ng miscommunication kaya siya naakusahan bilang third party sa relasyon nina Kiko at Devon.

“Miscommunication, but he cleared it out with Tito Ogie (Diaz) naman. He did, na parang ‘It’s so far, malayo ‘yung timeline.’ But then, naunahan na, eh, naunahan na ng chismis during that time.

So, kahit anong sabihin mo sometimes wala na rin talaga,” sey ni Heaven.

Pero matagal na rin namang panahon ang nakalipas at sey ng aktres, okay na sila ngayon ni Kiko at nagkatrabaho na nga sila sa isang teleserye.

Naging kontrobersyal naman ang breakup nila ni Jimuel dahil nagkaroon ng intrigang tutol ang mga magulang nito sa kanya.

Paglilinaw ni Heaven, wala itong katotohanan at wala silang naging problema ng pamilya ni Jimuel.

“No, no beef at all. None,” sabi ni Heaven.