Xander SOURCE: Screenshot mula sa FB/Xander Arizala

Xander Ford pedeng rentahan na BF ng 7 araw sa halagang P25K

23 Views

MAY bagong pakulo ang content creator na si Xander Ford sa publiko: ang serbisyo niyang “Boyfriend for Rent” na nagkakahalaga ng ₱25,000 kapalit ng seven days na siya ang partner mo.

Ayon sa isang Facebook post ng social media personality, hindi limitado sa mga Pinoy ang maaaring mag-avail ng serbisyo niyang ito, dahil bukas din siya sa mga interesadong dayuhan, kabilang ang mga Korean, Thai, Japanese, at Chinese.

“(Boyfriend for rent for only P25K, 7 days may partner ka na),” sey ni Xander sa nasabing FB post.

Saad pa niya sa comment section: (Kailangan ko lang ng kita. Walang personalan, nagpaalam naman ako kahit content mo lang ng 7 days).

Narito naman ang ilang tila nakaaaliw na komento ng netizens sa alok ng content creator:

“Pwede ba sa aso boss? In heat kasi yung pitbull ko haha.”

“Saan ang location mo boss? Pwede mag avail kahit 2 days lang? May laban kasi ako sa boxing next week gusto ko lang merong magulpi.”

“Boss… birthday ng pamangkin (ko), baka pwede kitang kunin… bilang clown, boss.”