Crime

Bumaba crime rate sa PH sa ilalim ng PBBM admin

Chona Yu Feb 28, 2025
13 Views

BUMABA ang crime rate sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Presidential Communications Office (CPO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sa kabila ito ng naiulat na kaso ng kidnapping sa bansa.

Ayon kay Castro, ang problema sa bansa ay nasi- “sensationalized” ang krimen dahil sa social media.

“May mga pagkakataon na merong krimen, talagang nagaganap. Hindi perpekto ang ating mundo. Pero tandaan natin, itong kidnapping na ito, ito ay hindi masasabing isolated case pero hindi ito nagpapataas ng crime rate ng Pilipinas,” pahayag ni Castro.

“Itong sinasabing pagpapakalat na tumataas ang crime rate sa panahon ni Pangulong Marcos ay gawa-gawa ng troll,” pahayag ni Castro.

Apela ni Castro sa publiko, huwag maniwala sa mga maling balita na ipinakakalat sa social media platforms dahil walang ibang hangad ang mga kalaban na magtanim ng takot sa lipunan.

“Ang crime rate sa panahon ni Pangulo ay hindi ganoon kataas. Pero sinabi nga natin hindi perpekto ang pamahalaan dahil hindi maiiwasang may mga krimeng nagaganap,” pahayag ni Castro.

Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ng 26.76 percent ang overall crime rate sa bans amula Enero hanggang Pebrero 14 ngayong taon. Ito ay matapos makapagtala ang PNP ng 3,528 na kaso ng krimen na mas mababa kumpara sa 4,817 na kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.