Calendar

5 suspek na tulak laglag sa parak
SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Limang hinihinalang tulak ng iligal na droga ang nabitag sa buy-busts at checkpoint sa bayang ito at nasabat din ang halos P180,000 halaga ng shabu at isang revolver noong Huwebes.
Sa Brgy. Diversion, tatlo sa mga naarestong suspek ang natimbog dakong alas-8:30 ng gabi.
Dalawang suspek na may edad 36 at 40 ang nakuhanan ng shabu na tumitimbang ng 25 gramo at nagkakahalaga ng P170,000.
Nahulihan naman ang ikatlong suspek ng shabu na nagkakahalaga ng P6,120, isang paltik na caliber 38 revolver na may tatlong bala.
Sa isa pang checkpoint, pinahinto ang isang Honda motorcycle na may sakay na dalawang lalaki sa Brgy. Diversion dakong alas-8:00 ng gabi ngunit sa halip na tumigil, nagtangka itong tumakas kaya hinabol slhanggang maaresto ng kapulisan.
Nakuha sa ride at back rider ang plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P2,176.