Isko Moreno I SHALL RETURN–Nangako si dating Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na bubuhayin niya ang Binondo 2-3 Condominium at bubuksan ang ospital sa Baseco, lilinisin ang Divisoria at ibabalik ang kinang ng Manila. Kasama ni Yorme ang kanyang ka tandem na si Chi Atienza. Kuha ni JonJon Reyes

Clean Manila mantra ni Yorme kung mananalo

Edd Reyes Mar 6, 2025
13 Views

NANGAKO si dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na lilinisin ang Maynila kun iboboto siyang muli sa Mayo 12.

Sa Meet the Manila Press Forum noong Huwebes, sinabi ni Yorme na sa kanyang pag-iikot sa lungsod, reklamo ng mga ang napakaruming paligid at ang pagbabalik umano ng mga holdaper at snatcher.

“Ibabalik natin ang kalinisan, katiwasayan at kaayusan sa Maynila. Hindi lang ang mga kadugyutan kundi pati ang mga holdaper at snatcher, lilimasin ko ang mga ‘yan,” pahayag ni Yorme, na dati umanong basurero bago naging artista.

Tumanggap ang dating alkalde ng awards mula sa iba’t-ibang grupo at dahil sa maayos na pamamahala.

“Pumanatag kayo, may awa ang Diyos, ibabalik ko po uli sa inyo ang kapanatagan ng pamumuhay sa lungsod tulad ng dati na habang kayo mahimbing na natutulog sa kasagsagan ng hating-gabi, may gobyerno pa sa lungsod ng Maynila na magbabantay sa inyo,” pahayag ni Domagoso.