Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Posas

Batangas cops nakadagit ng 2 rape suspek

66 Views

DALAWANG hinihinalang suspek sa kasong panghahalay ang naaresto noong Martes ng mga pulis sa Lipa City at Balayan, Batangas.

Nasakote bandang alas-9:04 ng umaga sa Brgy. San Piro, Balayan, sa bisa ng isang warrant of arrest ang supek na si alyas Jade base sa inisyung warrant of arrest ni Acting Presiding Judge Betlee-Ian Jubaira Barraquias ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 10 ng Balayan Batangas para sa kasong rape.

Ayon kay Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao Jr., nahuli si alyas Pedro ng Lipa City police sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Noel Lindog ng Family Court, Branch 2 ng Lipa City, para sa two counts ng sexual assault at qualified rape.