Vic Reyes

Walang dahilan para hindi rin hulihin ng Interpol si Roque

Vic Reyes Mar 16, 2025
30 Views

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mga suki!

Ganun din sa mga kababayan natin sa Japan, Saudi Arabia at Oman.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Lorna Pangan Tadokoro, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Chato Coronel, Aimi Houchii, Endo Yumi, , Winger dela Cruz, Roana San Jose at ang kaibigan ng mga Pinoy sa Japan si Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa  # +63 9178624484)

Nakakatawa naman ang nangyayari ngayon sa kaso ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Hindi daw tayo dapat nakipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) para maaresto si Duterte dahil hindi na tayo miyembro ng ICC.

Pero maliwanag na hindi naman tayo nakipag-ugnayan sa ICC.

Sa International Police (Interpol) tayo tumulong dahil kasapi tayo sa ahensyang ito.

Ilang beses na tayong tinulungan ng Interpol para maibalik sa Pilipinas ang mga puganteng lumayas sa bansa.

Isa na nga rito si dating Capas, Tarlac Mayor Alice Guo na napatunayang hindi Pinay kundi isang Chinese national.

Ang nakakatawa ngayon ay ang bintang na hindi daw tayo sumunod sa mga patakaran ng ICC sa pag-aresto kay Pangulong Duterte.

Eh, kayo mismo ang nagsasabing wala na tayong pakialam sa nasabing international court.

Kung totoo man ang bintang ninyo eh bakit pa tayo susunod sa mga patakaran ng ICC?

Hindi ba nakakatawa ito?

Kung hindi tayo kumalas sa ICC , baka ang dami ninyong maitutulong sa dating Pangulong Duterte habang nililitis sa The Hague.

Ang dami nating magagaling na abogado, lalo na ang mga tinatawag na international lawyers.

Hindi ba?

***

Bakit hindi tayo humingi ng tulong ngayon ng International Police o Interpol para mapabalik si Harry Roque?

Si Roque, na isang kilalang magaling na human rights lawyer, ay pinaghahanap ngayon ng mga otoridad sa Pilipinas.

Meron siyang warrant of arrest na inisyu ng House of Representatives. Na-contempt siya ng mga kongresista.

Marami ang nagsasabi na walang dahilan para hindi hulihin ng Interpol ang dating opisyal ng Malakanyang noong panahon ngDuterte administrasyon.

Kung si Duterte nga ay hinuli at isinuko pa sa The Hague, si Roque pa kaya?

Kitang-kitang sa mga video na si Secretary Roque, na magsisilbi daw bilang isa sa mga abogado ni Duterte sa ICC, ay nasa The Hague.

Ang daling damputin ng mga operatiba ng Interpol dahil sumasama sa grupo ni Vice President Sara Z, Duterte.

Si Inday Sara ay nasa The Hague ngayon para buuin ang legal team na magdedepensa kay Tatay Digong,

***

Ilang araw na lang, matatapos na ang first quarter ng 2025.

Kahit ang maraming maiinit na isyu ngayon sa bansa ay hindi nadi-distract ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang trabaho.

Hindi puwedeng maapektuhan sila sa kanilang trabaho sa mga nangyayari ngayon sa bansa, kasama na ang pag-kaaresto nidating Pangulong Duterte.

Iba ang mandato ng BOC na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Ang pangunahing trabaho nila ay revenue collection at pagsugpo sa ismagling at graft and corruption sa aduana.

Huwag na silang sumawsaw sa mga usaping politikal.

Pabayaan na ‘yan sa Department of Foreign Affairs, Malacanang, Department of Justice at iba pang concerned agencies.