Vic Reyes

BOC, partner agencies pinaiigting kampanya vs agri smuggling

Vic Reyes Nov 11, 2026
110 Views

MALIGAYANG araw sa ating mga tagasubaybay.

Binabati natin ang mga kabayan natin sa Japan na sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Glenn Raganas, Endo Yumi, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

Mag-iingat kayo diyan.

God bless sa inyong lahat!

***

Determindo ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na protektahan ang kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Alam naman ng lahat na adversely affected ang mgal okal na magsasaka kung babahain ng mga puslit na produktong agricultura ang merkado.

Walang kalaban-laban ang locally-produced agricultural products sa mga mas murang smuggled goods dahil hindi ipinagbabayad ng buwis ang mga ito.

Kaya nga may direktiba si Pangulong Marcos sa BOC at ibang partner agencies na paigtingin ang kampanya laban sa agricultural smuggling.

Katunayan, iniimbestigahan ngayon ng BOC, katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI), Department of Agriculture (DA) at Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang P524.27 milyong halaga ng iba’t ibang produkto.

Galing ng pitong bansa, kabilang ang China, ang mga produktong ito ay nakaimbak sa isang warehouse sa Valenzuela City.

Maliban sa China, ang pinanggalingan ng mga produkto ay Argentina, Australia, Indonesia, India, Myanmar at Egypt.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng pulang sibuyas, beans at legumes, luya, carrots, peanuts, vegetable protein, laundry bluing powder, packaging materials at apat na forklift.

Nauna nito ay nakatanggap ng impormasyon ang BOC-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) mula sa NBI tungkol sa posibleng pag-imbak ng mga produktong hindi sumunod sa customs regulations.

Dahil dito ay naglabas ang BOC ng Letter of Authority (LOA) upang magsagawa ng inspeksyon at inventory sa nasabing warehouse.

Sa isinagawang 100 percent physical inventory noong Oktubre 17 ay nakita ang mga produkto na walang naisumiteng sapat na dokumento na nagpapatunay sa legal na importasyon ng mga ito.

Alinsunod sa utos ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno ay naglabas ng warrant of seizure and detention (WSD) si MICP District Collector Felipe Geoffrey K. de Vera IV.

Ayon sa initial report, may nakitang hindi pagkakatugma sa inventory at ang mga isinumiteng import documents.

Wala ding naisumiteng patunay ng pagbabayad ng tamang buwis at kinakailangang permit mula sa DA, ayon sa report.

***

Dapat ma-desisyunan ng Senate impeachment court ang kaso ni Bise Presidente Sara Duterte bago mag-Pasko.

Mukhang inip na inip na ang taumbayan, kasama na ang mga ordinaryong tao sa kanayunan.

Kailangang matapos na ang paglilitis para bumalik na sa normal ang pamumuhay dahil ang dami nating mga problema na dapat asikasuhin.

Nandiyan ang El Nino, patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kawalan ng trabaho at kagutuman.

Kung may kasalanan si VP Sara, dapat siya’y matanggal sa puwesto, pero kung inosente naman siya sa mga bintang ay nararapat na siyay maabsuwelto.

Tama ba kami, Impeachment Court Presiding Officer Sen. Francis Escudero?

(Para sa komento at pagbati, magtext sa #0917-8624484)