Tess

BI maraming humanga dahil kay Viado

18 Views

MARAMING humanga sa Bureau of Immigration (BI) nang mabilis na nadakip ang puganteng Koreano at ang isang hinihinalang kabilang sa isang sindikato sa kanilang bansa. Nahuli ito pagkatapos lamang ng anim na araw.

Para sa mga kababayan natin, hudyat ito na isang malawak na pagbabago na ang nagaganap sa naturang ahensiya.

Sa kabila ng patuloy na pagsisiyasat ng Senado sa mga alingasngas sa BI nang mga nakalipas na panahon, umaasa ang mga kababayan natin na hindi mawawala ang pagtutok ni BI CommissionerJoel Viado sa mga sinimulan niyang malawakang reporma sa ahensiyang ito.

Matatandang pinagutos ni Viado na sibakin ang ilang opisyales ng BI na sangkot sa pagpapatakas ng Koreano. Nakita kasi sa CCTV kung paano nakipagsabwatan ang ilang tiwaling empleyado nito para makatakas ang Koreano.

Hindi lamang sinibak ni Viado ang mga sangkot kung hindi pinasampahan pa ito ng kasong kriminal. Nangako din itong sisiyasatin pa ng mas malalim ang mga iba pang kasangkot dito.

Nagbabala din si Viado na kung patuloy na magpapabaya ang ilang tiwaling empleyado nito at makikipag-sabwatan sa mga masamang gawain, hindi lang sila maaalis, kundi haharapin pa nila ang pinakamabigat na parusa sa ilalim ng batas.

Aba sa wakas, mukhang nakahanap din ng tamang tao si Pangulong BBM para manguna sa BI. Noong mga nakaraan kasing panahon, todo pasa lang ang mga namuno dito..” Business as usual,” kumbaga sa wikang ingles.

Kung pagbabasehan natin ang mga kilos ni Viado, hindi lamang mukhang mahusay na abogado ito, mukhang may tapang din taglay upang banggain ang mga masasamang elemento diyan sa Bureau.

Alam naman ng marami, na ang BI ang isa sa pinaka notorius na ahensya ng pamahalaan. Ang mga sindikato diyan ang siyang protektor ng mga dayuhang pinaghahanap ng batas sa kanilang bayan at dito nagtatago sa ‘ Pinas!

Mukhang makakakuha ng katapat ang mga lokong ito kay Viado.

Magiingat ka lang Mr. Commissioner. Sanay sa siraan at gawaan ng kwento ang mga isindikatong yan at marunong gumawa ng kwento kung paano hadlangan ang iyong mga magagandang balak para sa bureau.

Mabuti na lamang at balita namin na buo ang suporta ni Justice Secretary Boying Remulla kay Commissioner Viado. Alam nyo kasi malaking bagay ito para patuloy na lumakas ang kampanya ni Viado laban sa mga tiwali.

Nang mga nakaraan kasing administrasyon madalas hindi magkasundo ang dalawang ahensya. Mabuti na lamang maganda ang ‘partnership’ ni Sec. Boying at Viado.

Congratulations, Mr. Secretary..Mukhang tama ang pili ninyo kay Viado. Sana magpatuloy ang inyong tulungan para sa ikabubuti ng bayan.