Vic Reyes

Wala pa sa pwesto si PBMM, nagsimula na kaso ni DU30 sa ICC

Vic Reyes Mar 19, 2025
28 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa.

Binabati natin sina:

Ma. Theresa Yasuki, Lorna Pangan Tadokoro, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Chato Coronel, Aimi Houchii, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at si Hiroshi Katsumata, na laging naka-ayuda sa mga Pinoy dyan sa Japan.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

***

Unfair naman kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.na siya ang binubugbog sa mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte saInternational Criminal Court (ICC)..

Sa totoo lang, nagsimula ang mga kasong ito nang nakaupo pa si Duterte sa Malakanyang.

Kaya nga noon ay nagpasiya siyang umalis ang Pilipinas sa ICC.

Ang mga naghain ng mga kaso laban kay Duterte ay mga pribadong tao. Ito ang mga kamag-anak ng mga taong namatay sa madugong drug war.

Ang drug war ni Digong ay nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong adik, pusher at inosenteng sibilyan.

Ang mga kamag-anak ng mga ito ang naghain ng kaso laban kay Duterte at kanyang mga alipures sa ICC.

Inuulit natin, wala pa sa puwesto si Marcos ay nagsimula na ang mga kaso ni Duterte sa international court.

Ang papel lang ni Pangulong Marcos ay nang payagan niyang i-serve ang warrant of arrest na inisyu ng ICC laban kay Digong.

Pero ang tinulungan niya ay ang International Police (Interpol) at hindi angICC.

Dahil miyembro tayo ng Interpol, obligado tayong tumulong sa kanila sa paghain ng warrant of arrest.

Inuulit natin, walang paki-alam ang gobyerno sa mga kasong kinakaharap ni Digong sa ICC.

Mga pribadong tao na tinutulungan ng mga pribadong abogado ang mga kalaban ni Duterte.

At ngayon nga ay sinasabi ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte na siya daw ay “kinidnap.”

Meron bang kinikidnap na nakikita live on television at social media?

Nakakatawa naman at nakikita pang binabasahan ng kanyang “Miranda Rights” ang inaaresto?

Hindi lang ‘yan. Tumakbo pa sa Korte Suprema ang mga abogado ni Duterte para pigilan ang pagdala sa kanya sa The Hague, Netherlands.

Ang tagal pa niya sa Villamor Air Base at kasama niya sa chartered private jet and kanyang abogado.

Maghahatinggabi na nang umalis sa Villamor Air Base ang eroplanong sinakyan Pangulong Duterte sa The Hague.

Kidnapping ba ang pagkakaaresto ni Digong?Kasama ba sa kidnapping si dating Executive Secretary Salvador Medialdea?

Kayo na ang magsabi, may nangyaring kidnapping?

***

Sana ipatupad ng ating mga otoridad ang ating mga batas para hindi mauwi sa karahasan ang mga nangyayaring street action sa bansa.

Meron tayong mga batas tungkol sa demonstrasyon at iba pang uri ng protest actions.

Kung may mga paglabag sa ating mga batas, kasama na ang libel at inciting to sedition, ay kasuhan agad ang mga suspek.

Huwag natin pabayaan na lumala ang sitwasyon.

Pabayaan ang ating mga korte ang magdesisyon.

Huwag natin payagan na mauwi sa gulo at sakitan ang ating mga differences.