Pagasa

Tag-ulan idineklara ng PAGASA

308 Views

IDINEKLARA na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tag-ulan.

Ayon sa PAGASA, nakompleto na ang kriteria para masabi na tag-ulan.

“The presence of frontal system and the occurrence of severe thunderstorms have brought widespread rains during the last five days in areas under Type I climate and other parts of the country.

Moreover, southwesterly windflow was also observed during the past few days,” sabi ng PAGASA.

Sinabi naman ng PAGASA na hindi nangangahulugan na tuloy-tuloy na ang buhos ng ulan dahil inaasahan din umano ang monsoon break kung saan maaaring hindi makaranas ng pag-ulan ng ilang araw.

Samantala, sinabi ng PAGASA na patuloy pa ring nakakaapekto sa bansa ang La Niña kaya mataas ang tyansa na makaranas ng above normal rainfall condition ang maraming lugar sa mga susunod na buwan.