Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
PRC Source: PRC FB post

Kagitingan, kadakilaan ng mga sundalong Pinoy pinahalagahan

31 Views

NAGBIGAY-pugay si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa kagitingan ng mga Pilipinong nag-alay ng buhay upang ipagtanggol ang kasarinlan ng bansa sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.

Hinikayat ni Escudero ang sambayanan na alalahanin ang mga nagbuwis ng buhay para sa bayan.

“Sa araw na ito, tayo’y nagbabalik-tanaw at nagpupugay sa mga Pilipinong nagbuwis ng kanilang buhay upang ipaglaban ang kalayaan at karangalan ng ating bayan,” sabi ng senador.

Ipinabatid ng pinuno ng Senado na ang mga kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino sa kasalukuyan bunga ng sakripisyo ng mga naunang henerasyon.

Bukod dito, ipinaalala ni Escudero ang kahalagahan ng pagtugon sa mga hamon ng kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng pagpapamalas ng katapangan at malasakit na siyang diwa ng mga bayani ng Bataan at iba pang bahagi ng kasaysayan ng bansa.

“Hinihikayat tayo ng araw na ito na patuloy na magsikap para sa bansa at ipakita ang ating tapang at malasakit sa mga hamon ng makabagong panahon,” sabi niya.

Iminungkahi ni Escudero na ipakita ang pasasalamat sa mga bayani hindi lamang sa pamamagitan ng paggunita kundi sa mga kongkretong hakbang.

“From doing small acts of kindness to working toward greater goals for the nation, let us stand together in making our country something we can always be proud of,” dagdag pa niya.

Nanawagan ang senador na patuloy na isabuhay ang diwa ng kagitingan.

Ang Araw ng Kagitingan ginugunita bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na magkasamang lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang okasyong ito nagsisilbing paalala ng matinding sakripisyo at paninindigan para sa kalayaan ng bansa.