Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Tarriela Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela

Pro-Tsina na fake news ukol sa WPS ibinuking ng PCG

42 Views

INIHAYAG ni Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela nitong Martes ang isang tinatawag niyang “coordinated and malicious” na kampanya ng fake news sa social media na ipinagtatanggol ang China at layuning sirain ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sa pagdinig ng House tri-committee na nagsisiyasat sa paglaganap ng fake news at disinformation online, sinabi ni Tarriela na dalawang Filipino vloggers—sina Anna Malindog Uy at Ado Paglinawan—ang nag-post ng mga content na nagpapalakas ng pro-China na disinformation.

Sinabi ni Tarriela na kabilang sa mga naratibo nila ang pagsisi sa PCG sa mga engkwentro sa WPS, pagtatanggol sa mga kontrobersyal na Chinese-linked na Philippine offshore gaming operation (POGO) at pagtanggi sa presensya ng mga Chinese spies.

“She is actually narrating a narrative that it is the [PCG] who rammed the China Coast Guard vessel,” wika ni Tarriela patungkol kay Uy.

Tungkol kay Paglinawan, binanggit ni Tarriela ang isang post na tinawag ang isyu sa WPS na “lunacy” at inakusahan ang mga senador na “disgracefully” tinatanong si dating Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, isang umano’y Chinese spy.

“Sa loob po ng dalawang taon, nang magsimula po ang ating administrasyon sa pagpa-publicize ng mga incident na nangyayari sa [WPS] ay nakita po natin ang mataas na bilang ng pagtaas ng fake news and disinformation and misinformation pagdating sa usapin ng [WPS],” aniya.

Sa kanyang presentasyon sa harap ng komite, inilarawan ni Tarriela ang tatlong layer sa likod ng disinformation: mga initiators, disseminators at reposters.

“We call them initiators because if we’re going to trace the misinformation and fake news about [WPS], sila ang pinakaunang mga tao na nagpakalat ng maling information na ito,” paliwanag ni Tarriela.

Ang mga disseminators, aniya, ay mga “soulless” troll accounts na walang pagkakakilanlan, habang ang mga reposters ay mga kapwa Pilipino na ine-echo ang mga naratibo.

“The general public is actually the victim. Minsan naniniwala silang walang [WPS], minsan naniniwala silang tayo ay inuudyukan lang ng Amerika,” dagdag pa niya.

Inilahad ni Tarriela ang anim na paulit-ulit na maling naratibo: wala raw legal na batayan ang Pilipinas sa WPS; hindi raw prayoridad ang isyu; inuudyok daw ng gobyerno ang China; hindi na maiiwasan ang giyera; ang bansa ay pinapalakad ng Estados Unidos; at ang mga spokesperson ng WPS ay mga corrupt.

“Kami daw po ang bumangga sa China Coast Guard,” ani Tarriela. “Sinabi nilang CIA ako… may tatlong black bag… tumatanggap ako ng 4 million U.S. dollars.”

Sinabi niya rin na ang mga vlogger na ito ay nagsusulong pa ng iba pang kaugnay na tema.

“Una, they always counter our position in the [WPS]. Secondly, they also defend Alice Guo and the POGO. Third, they are also denying the presence of Chinese spies na nahuli ng NBI (National Bureau of Investigation) nang mga nakaraan,” ani Tarriela.

Nagbigay ng reaksyon ang mga mambabatas na may pag-aalala, kung saan iginiit ni House Assistant Majority Leader at Manila 1st District Rep. Ernesto Dionisio Jr. na kailangang mailantad ang lahat ng mga pro-China bloggers.

“We really have to find out who these people are. The Committee will not stop,” wika ni Dionisio.

Hinimok din ni Dionisio ang mga vlogger na gumawa ng mga content na nagtatanggol sa pambansang interes.

Nagbigay babala siya na hindi papayag ang mga tao sa kanyang distrito sa ganitong uri ng pag-atake sa bansa at nanawagan sa mga Pilipino na magkaisa laban sa mga negatibong naratibo ng China.