Calendar

Agri, SMEs mananatiling prayoridad ni Villar
NANININDIGAN si House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Camille A. Villar na ang agrikultura at ang Small and Medium Enterprise (SMEs) ay mananatiling prayoridad nito.
Ginawa ni Villar ang kaniyang commitment matapos ang pagbisita nito sa Tagalogan, Misamis Oriental kung saan hangad ng kongresista na marami pang magsasaka at mga maliliit na negosyante ang susuporta sa kaniya para sa darating na 2025 mid-term elections.
Sabi din ni Villar na patuloy nitong itinutulak ang promosyon o pagsusulong ng small and medium sized enterprise na itinuturing niyang backbone ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho at pagkakaroon ng maraming negosyo sa bansa.
“Thank you for sharing ayhe advocacies of the province with me. Hindi ko po makakalimutan iyan, and I can that the advocacies of our family are very alive. Makakaasa po kayo na hindi namin makakalimutan yan. Wherever I would go, babalik at babalik tayo sa Misamis Oriental,” sabi ni Villar.