Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Tiangco

APBP senatorial line-up hindi kayang tibagin ng mga kalaban -Tiangco

Mar Rodriguez Apr 15, 2025
40 Views

OPTIMISTIKO si House Deputy Majority Leader at Navotas Lone Dist. Rep. Toby Tiangco na hindi matitigatig at matitinag ang tinaguriang “powerhouse” Senatorial line-up ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP).

Ito ang binigyang diin ni Tiangco, ang campaign manager ng APBP, na walang sinoman ang may kakayahang tibagin ang matatag na line-up ng administrasyon (APBP) sa kabila ng mga naglulutangang isyu mula sa kanilang mga katunggali na nagtatangkang pahinain ang kanilang puwersa.

Sa katunayan, pagbibigay diin pa ng kongresista na matibay at matatag ang APBP Senatorial slate sapagkat binubuo aniya ito ng limang pinaka-malaking partido politikal sa bansa na kinabibilangan ng Lakas-CMD, Nacionalista Party (NP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at National Unity Party (NUP).

Sabi pa ni Tiangco na habang papalapit ng papalapit ang May mid-term elections. Lalong nananatiling matatag at nagkakaisa ang mga kandidato nila, habang lumalakas din aniya ang suporta ng mamamayan Pilipino para sa kanilang mga pambato kabilang na ang pagsuporta at pag-eendorso naman ng mga Local Government Units (LGUs).

Ikinatuwiran pa ni Tiangco na ang kanilang Senatorial line-up ay maihahalintulad sa isang basketball team na malalim ang bench dahil mismong si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang pumili sa kanilang mga kandidato.

Dagdag pa ng APBP Campaign manager na nakita mismo ni Pangulong Marcos, Jr. ang kakayahan, abilidad at husay ng bawat kandidato kung kaya’t ito ang ginamit niyang pamantayan sa pagpili ng mga isasama sa Senatorial line-up ng APBP.