Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Martin Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Speaker Romualdez: Google Maps pinagtibay posisyon ng PH sa isyu ng WPS

27 Views

MapPINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagkilala ng Google Maps na ang Pilipinas ang may hurisdiksyon sa West Philippine Sea (WPS), at patunay umano na lumalawak ang pandaigdigang suporta sa posisyong ito sa gitna ng agresibong aksyon ng China.

“The proper and consistent labeling of the West Philippine Sea on the widely used platform Google Maps is welcome news for every Filipino,” ani Speaker Romualdez.

“This simple yet powerful update reflects the growing global acknowledgment of the Philippines’ sovereign rights over the maritime areas within our Exclusive Economic Zone (EEZ),” dagdag pa nito.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang hakbang na ito ay isang malaking suporta sa matagal nang paninindigan ng Pilipinas sa isyu alinsunod sa Arbitral Ruling noong 2016 na kinilala ang legal na karapatan ng bansa sa ilalim ng international law.

“This reinforces what we have long asserted: that these waters are part of the Philippines’ territory, and all must respect our sovereign rights,” saad pa ni Speaker Romualdez.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang pagkilalang ito ay hindi lamang teknikal o kartograpikong pagwawasto kundi isang makasaysayang tagumpay sa larangan ng geopolitics.

“Google’s decision to reflect the West Philippine Sea label is more than a map update. It’s a geopolitical affirmation. This platform shapes global consciousness, and this recognition adds significant weight to our cause,” pahayag pa ng Speaker.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ito ay sumasalamin sa damdamin ng milyon-milyong Pilipino na matatag na ipinaglalaban ang soberanya at dangal ng bansa.

“For the Filipino people, this is more than just a name on a screen. It is a symbolic and moral victory, a reminder of our decades-long struggle to protect what is rightfully ours,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Kinilala rin ng Speaker ang mga diplomatikong pagsusumikap ng bansa, at binigyang-diin na ang mapayapang paggiit sa karapatan sa pamamagitan ng pandaigdigang batas ay patuloy na nagbubunga ng positibong resulta.

“Ang paglalagay ng West Philippine Sea sa pangunahing mapa ay isang makasaysayang pagkilala sa ating karapatan at soberanya,” ani Speaker Romualdez.

“Ipinapakita nito na sa mata ng mundo, may saysay at bigat ang ating paninindigan—isang paninindigang nakaugat sa batas, katarungan, at pandaigdigang kaayusan,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Ipinahayag din niya ang pag-asa na ang ibang institusyon at bansa ay susunod sa naging hakbang ng naturang platform upang umayon sa pandaigdigang batas.

“We hope this move will encourage other mapping services, institutions, and governments to follow suit and acknowledge what the law and justice clearly uphold,” aniya.

Sa pagtatapos, muling binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagtatanggol ng soberanya ng Pilipinas.

“Let this remind us: when we stand united in asserting our national interest, the world takes notice,” ani Speaker Romualdez.

“The House of Representatives stands firmly behind all efforts that uphold Philippine sovereignty and promote peace and regional stability,” dagdag pa niya.