BBM

Pagkakaisa muling alok ng kampo ni BBM

612 Views
Rodriguez
Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita at chief of staff ni BBM

MATAPOS ibasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang mga disqualification case, muling nag-alok ng pagkakaisa ang kampo ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“Tama na ang away, tama na ang bangayan, sama-sama natin harapin ang bukas na may taglay na pag-asa at pagkakaisa,” sabi ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita at chief of staff ni Marcos.

Nagpasalamat din si Rodriguez sa naging desisyon ng Comelec First Division na ibasura ang mga petisyon.

“We again commend the honorable members of the Comelec’s 1st Division for upholding the law by dismissing cases that we have long described as nuisance petitions,” sabi ni Rodriguez.

Pinatunayan umano ng desisyon na walang basehan ang inihaing kaso na naglalayong alisin si Marcos bilang kandidato sa pagkapangulo.

Muli ring nanawagan si Rodriguez na itigil na ang pagpapakalat ng kasinungalingan laban kay Marcos at magkaisa para sa kinabukasan ng sambayanang Pilipino.

“While we call on this seemingly misguided segment of our society to stop spreading lies against presidential candidate Bongbong Marcos, we nonetheless extend our hands of unity and continue with our call for them and every Filipino to join us in shaping a better and united future for our people,” dagdag pa ni Rodriguez.