Magandang kinabukasan abot kamay sa BBM-Sara UniTeam

458 Views

BOT kamay umano sa pamumuno ng BBM-Sara UniTeam ang isang magandang kinabukasan para sa Pilipinas.

Ayon kay Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) President at House Majority Leader Martin Romualdez kapwa mayroong karanasan sa pamumuno sina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte na kanilang magagamit upang maging mabilis ang pag-angat ng bansa mula sa pagkakalugmok dulot ng pandemya.

Si Marcos ay naging gubernador at kongresista ng Ilocos Norte bago naging senador samantalang si Duterte ay naging bise alkalde at hanggang ngayon ay alkalde ng isa sa pinakamaunlad na lungsod ng bansa.

Binigyan-diin din ni Romualdez ang kahalagahan ng panawagan nina Marcos at Duterte na magkaisa para sa bayan, ang unahin ang bayan bago ang personal na interest.