Pacquiao2

Pacquiao sisimulan pagsusulong ng pag-unlad sa mga malalayong bahagi ng bansa

Mar Rodriguez Apr 29, 2025
20 Views

Pacquiao3Pacquiao4TINIYAK ni Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao na sisimulan nito ang pagsusulong ng mga programa at proyekto sa ikakaunlad ng bansa sa mga malalayong lugar na hindi naririnig, hindi nakikita at bihirang mapansin tulad ng Mindanao.

Ito ang nilalaman ng mensahe ni Pacquiao matapos ang ginawa nitong pagbisita sa Mati City, Davao Oriental kung saan inilatag nito ang kaniyang legislative agenda sa pamamagitan ng pagsusulong nito ng libreng pabahay para sa mga idigent na pamilya, pagsusulong ng agresibong kampanya laban sa korapsiyon at ang pagtutulak nito sa livelihood opportunities.

Sabi ng dating senador na kung hinahangad ng mga Pilipino ang tunay na pagbabago, kinakailangan nitong magsimula sa mga malalayong lugar o lalawigan tulad ng Mindanao na hindi naririnig at bihirang mapansin kaya mabagal ang kanilang pag-unlad.

“Kung gusto natin ng tunay na pagbabago. Kailangan simulan natin sa mga malalayong lugar, sa mga hindi naririnig at hindi nakikita. Hindi puwedeng nasa siyudad lang ang pag-unlad,” wika ni Pacquiao.

Nagpahayag naman ng pagsuporta kay Pacquiao ang mga pangunahing Mindanaoan leaders at opisyales sa Tagum City kabilang na dito si Davao del Norte Governor Edwin Jubahib at iba pang mga political leaders.