PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Binigyang-pugay ni Nueva Ecija cop chief P/Col. Ferdinand Germino ang 25 NEPPO’s Finest na idineploy sa Mindanao noong halalan bilang miyembro ng contingency force. Kuha ni Steve Gosuico
Provincial
25 na ‘bayani ng NEPPO’ nag-martsa
Steve A. Gosuico
May 29, 2025
652
Views
CABANATUAN CITY–Tinawag na “bayani ng NEPPO” ni Nueva Ecija police chief P/Col. Ferdinand Germino ang 25 pulis na idineploy sa Buldon, Maguindanao Del Norte bilang bahagi ng contingency forces para sa halalan noong Mayo 12.
Pinangunahan ni Germino ang pagbibigay-pugay sa 25 pulis ng mag-martsa mula sa old provincial capitol papuntang NEPPO parade grounds.
Binigyan sila ng cash incentives at plake bilang pagkilala sa kanilang performance noong nakaraang eleksyon.
“Ipinadala kayo sa malayo sa inyong tahanan, pinagkatiwalaan ang kritikal na responsibilidad na pangalagaan ang kapayapaan at kaayusan sa isa sa mga pinaka-sensitibo at mapaghamong lugar sa bansa,” sabi ng hepe ng pulis.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

