Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Sunog sumiklab sa Cabanatuan; 10 bahay naabo
Steve A. Gosuico
Jun 6, 2025
458
Views
CABANATUAN CITY–Malaking sunog ang sumiklab sa Brgy. Dionisio Garcia sa siyudad na ito dakong alas-9 ng gabi noong Miyerkules.
Ayon sa ulat, mahigit 30 pamilya ang apektado matapos maabo dahil sa sunog ang 10 kabahayan sa nasabing lugar.
Pansamantalang nakikisilong ang mga pamilyang apektado sa covered court ng barangay at inaasikaso ni Barangay Captain Exequiel Musni.
Walang naiulat na nasaktan sa insidente. “Accordingly, may nahilo lang sir, pero wala namang report na sugatan,” sabi ni Lt. Col. Renato Morales, hepe ng Cabanatuan City police, sa Journal Group.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

