PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Provincial
Angel travel agency nilooban, 3 suspek dinampot
Bernard Galang
Jun 22, 2025
463
Views
TATLONG suspek sa pagnanakaw sa isang travel agency noong Sabado ang nahuli sa Brgy. Anunas, Angeles City, Pampanga.
Sinabi ni Angeles City police director Col. Joselito Villarosa Jr. na nalaman ang pagnanakaw mula sa complainant na si Lovely Lacandola, 26, at empleyadong si Lyka Soriano, 32.
Sa kuha ng CCTV, pumasok sa opisina ng Onnuri Travel and Tour Inc. sa Plate St., Riverside Subd., Brgy. Anunas, Angeles City ang suspek na si alyas Franco, 23, at dalawang hindi pa nakikilalang kasama at sinira ang vault para kunin ang P58,000, assorted food products na nagkakahalaga ng P500, date cable, SD card, Aero K pouch at apat na Korean passports.
Nahuli ang mga suspek sa follow up operation at narekober ang sirang vault.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026
