MPD Ang dalawang hinihinalang tirador ng kable na naaresto ng MPD-11 na rumesponde sa loob lamang ng isang minuto. Kuha ni JONJON C. REYES

5 minutong responde ng PNP nakuha ng MPD sa 1 minuto

Jon-jon Reyes Jun 26, 2025
344 Views

MPDANG Meisic Police Station 11 ng Manila Police District ay nakaresponde sa loob ng isang minuto mula sa tawag sa 911 at naaktuhan ang dalawnag lalaki na nagnenenok ng kable ng telepono mula sa isang poste sa Binondo, Manila, Martes ng gawa.

Nahaharap ang dalawang suspek sa paglabag sa kasong Republic Act 1051 (Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of ). Ang mga suspek, na kapwa 25 anyos, ay nakilalang sina alyas Aldrin, ng Asuncion Street,Tondo at alyas John Richard, ng Kagitingan Street.

Ayon sa ulat ni Police Chief Master Sergeant Rolly Caranto kasama ang limang tauhan ng Juan Luna Police Community Precinct sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas,Station Commander, bandang 9:35 ng gabi nang makatanggap ng report mula sa 911.

Dahil nasa lansangan ang mga kapulisan ay sa loob lamang ng mahigit kumulang isang minuto ay natunton nila ang mga suspek.

Narekober ang isang cutter, pliers at ang dalawa’t kalahating metro ng kable ng telepono mula sa crime scene.

Pinuri ni MPD District Director, Police Brigadier General Benigno Guzman ang mga kapulisan sa mabiisang aksyon na naging tugon sa 5-minute response program ni Chief PNP Nicolas Torre.