Mariano

‘Ikabubuti ng lungsod, tao isipin sa paggawa ng resolusyon’

322 Views

HINILING ni Mayor Mario Vittorio “Marvey” Mariño sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na magsulong ng mga makabuluhang resolusyon na pakikinabangan ng mga mamamayan.

Ayon kay Mayor Marvey, maraming pagbabago ang kanyang ipatutupad at malaking bahagi ng tagumpay nito ang magiging papel ng konseho.

Binigyang-diin niya ang adhikain na higit pang pagandahin ang kanilang siyudad.

Idinagdag pa niya na mahalaga ang partisipasyon ng Sangguniang Panlungsod sa mga estratehiyang may kinalaman sa pagpapalawak ng kita ng lungsod.

Naniniwala siya na ito ang magiging susi upang matustusan ang lumalaking pangangailangan sa pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan.

Tiniyak din niya na magiging maayos ang paggamit ng pondo ng lungsod upang tunay na maramdaman ng mga Batangueño.