Sunog Ang mga nasusunog na kabahayan habang inaapula ng mga bumbero at nakabantay ang mga pulis ng MPD. Kuha ni JONJON C. REYES

Sunog naghasik ng takot sa Sampaloc, Tondo

Jon-jon Reyes Jul 6, 2025
349 Views

DALAWANG sunog ang sumiklab sa Sampaloc at Tondo, Manila noong Biyernes.

Unang nai-report ang sunog bandang alas-9:30 ng umaga sa Mangga Avenue, Brgy. 581, Zone 57, Sampaloc.

Ayon kay Gerry Andradi, barangay kagawad, tinatayang 100 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Nagresponde ang mga tauhan ng Sampaloc Station 4 sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Rolando Geronimo kasunod ang mga pamatay sunog na kinabibilangan ni Fire Senior Inspector Domanquera ng BFP dakong alas-10:20 ng umaga.

Bandang alas-5:36 ng hapon naiulat ang isa pang sunog sa panulukan ng Rodriguez Extension at Daungan St., Brgy. 129, Balut, Tondo.

Wala pang estimate ang mga pulis kung magkano ang halaga ng mga naabo dahil sa sunog.