Shabu

P986K na shabu nasamsam sa Batangas City

351 Views

NASAKOTE ang isang drug suspek sa Brgy. Cuta, Batangas City noong Linggo na may possession na halos P1 milyon na shabu, ayon kay Batangas City police chief P/Lt. Col. Ira Morello.

Ang suspek, si alyas Crisanto, naaresto sa isang buy-bust operation ng mga tauhan ng Batangas City Drug Enforcement Agency (BC-DEA) sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakumpiska mula sa suspek ang 145 na gramo ng shabu na may halagang P986,000; isang Eco bag na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may bigat na 940 gramo at nasa halagang P112,800.

Kasama sa nakumpiska ang isang .32 caliber pistol na may serial number 101245; magazine ng parehong kalibre, apat na bala ng parehong kalibre, cellphone, pera at boodle money.